





Ang bansang Pilipinas ay isang bansang tropical na alam natin na mainit. May dalawang klima lamang: tag-ulat at tag-init. Subalit sa mga panahon nag-iiba na ang panahon katulad kung summer na alam na natin na mainit mayroon pa rin pag-ulan sa ibang parte ng bansa o kaya tag-ulan sa ibang parte naman ng bansa ay mainit- dulot siguro ng pag-babago ng panahon (climate change).
Naalala ko pa nung bata pa ako pag sinabi na mayo na inaasahan na ang pag-ulan dahil ito na ang simula ng tag-ulan. Sa mga nagdaang taon minsan mayo na sobra pa rin ang init. Sa panahon ngayon ang mga bagyo ay hindi katulad ng mga bagyo nuon na pag umulan ay lampas bahay ang taas ng tubig katulad ng bagyong Ondoy.
Bakit nga halos lahat ng mga Pilipino gusto maputi ang kanilang balat? Sa aking palagay ay dala na rin ng mga nakikita ng tao sa tv ads na ang mga modelo ay mapuputi at magaganda/guwapo. Sa mga palabas sa mga tv serye at mga pelikula kung saan ang mga bidang lalaki o babae ay mapuputi at magaganda. Sa ibang bansa katulad ng America, ang mga producers ay kumukuha din ng mga bidang maiitim upang maging angkop ang takbo ng istorya sa kasalukuyang takbo ng panahon. Pati ang presidente ngayon ay American-African na si Barak Obama na alam natin na isang itim. Dati ang mga presidente ay puro puti lamang dahil lang mga itim nuon ay alipin lamang at walang karapatan maging lingkod ng bayan. Sa aking palagay hindi tanggap ng mga Pilipino ang mga bida sa mga teleserye at mga pelikula ang mga maiitim na katulad ng malalaking bansa katulad ng America.
May mga panayam sa mga talentong Pilipino sa isang sikat na telebisyon networth, katulad ni Whitney Tyson, Wilma Doesnt at Black Jack-sila ay pinagtatawanan at nilalait, wala raw karapatang maging mga celebrities. Makikita natin sa America maraming mga talent o celebrities na maiitim na kilala sa kanilang larangan subalit mataas ang kanilang paggalang at paghanga.
Hindi ba isang karangalan sa Pilipinas ang pagkapanalo ni Venus Raj na isang morena kahit na di nakamit ang korona sa Miss Universe ay naging runner-up? Siya ay isang endorser sa mga pampagandang produkto subalit di binabanggit para pampaputi dahil alam ng kompanyang gumawa ng produkto si Miss Raj ay isang morena.
Dumako tayo sa ibang katulad ng America, marami duon ang mga itim na tanyag sa kanilang larangan kalulad ng living legend ng heavyweight boxing na si Muhammad Ali. Ang sikat na talk show na si Oprah Winfrey, Randy Jackson na sikat na judge ng American Idol; ang sikat na artista na si Will Smith; ang napakagandang singer/pianist/composer na si Alicia Keys, ang black beauty na dating miyembro ng Destiny’s child na si Beyonce Knowles. Ang award winning actress na Halle Berry na isang itim din at napakaganda. Ang America nuon nagdaang panahon ay hindi tanggap na dominahin sila ng mga itim dahil ang paniniwala nila na ang mga itim ay alipin at walang karapatan na makihalubilo sa mga puti. Pati ang pulitika ay dominado ng mga puti magmula sa unang presidente nila na si Abraham Lincoln. Subalit sa panahon ng kasalukuyan presidente na si Barak Obama tanggap na nila angAmerican-african president.
Ako ay naniwala ang Pilipinas darating sa ganyang punto ng katulad ng America-maunlad at lahat binibigyan ng karapatan puti man o itim.
Dumako tayo sa miss Universe beauty pageant, maraming mga black beauties ang sumali sa kilalang patimpalak magmula ng ito ay matatag. Apat sa black beauties na ito ay nagwagi na sa miss Universe: Si Janelle Commissiong ng Trinidad, Tobago ay Miss Universe 1977; Miss Wendy Fitzwilliam ng Trinidad, Tobago ay miss Universe 1998; si Miss Mpule Kwegabe na tumalo kay miss Miriam Quiambao ng Pilipinas ay miss Universe 1999; at miss Leila Lopez ng Angola ay miss universe 2011. Patunay lamang yan ang mga itim ay magaganda pa rin. Lahat ng tao na likha ng Diyos ay kawangis niya at lahat ay pantay-pantay sa kanyang harapan mahirap o mayaman o anuman ang kulay ng kanyang balat o ano man ang kinatatayuan sa lipunan.

San Lorenzo Ruiz: First Filipino Saint and Martyr
September 28, 2011
Lorenzo Ruiz, the first Filipino saint, was a simple layman who died as martyr for his christian faith.
Lorenzo was born in Binondo, Manila on November 28, 1594. His father is a Chinese and his mother is a Filipino. He could speak Chinese and Filipino languages fluently. He studied Spanish from the Dominicans who were in charge of the parish in Binondo, where he learned the fundamental of faith.
Lorenzo became an errand boy of the friars and also a sacristan. When he became older he was employed as an “escribano.”
He accidentally had a dispute with a Spaniard and for unknown reasons he was accused of homicide. When he learned that the Dominicans were preparing for a mission in some place in the Orient, Lorenzo volunteered to the group for fear of his life. His intentions was to remain in Macau and earn a livelihood for his family.
The expedition did not materialize beyond the expectations of Lorenzo because they sailed directly to Japan instead of going to Macau. In those days Christians were being hunted, imprisoned, and executed. Lorenzo changed his mind instead of working in Macau decided to become a missionary.
In Okinawa despite their cautious and careful fulfilling of their missions, authorities were able to discover that they were as Christian believers and followers.
The missionaries, including Lorenzo, were arrested and jailed where they were atrociously treated. The prisoners were tortured by interrogators while they were being questioned.
When Lorenzo’s turn came, he was asked: “If we grant you life, are you willing to renounce your faith?” Lorenzo answered, “I am a Christian and this I profess, and although I did not come to Japan to become a martyr, I am now willing to give up my life for God. You can do with me whatever you please.”
Lorenzo, like his companions, was sentenced to die. The place of the execution was Nishizaka Hill, a place like the Calvary. Muzzled and hand tied, the prisoners marched barefoot to the place. To inflict more sufferings to the victims, death was administered slowly and painfully. Lorenzo was hanged head down inside a small pit and only his limbs were seen from above the ground. His body was slightly bound with a rope to slow down the flow of the blood, the torturer would make a sporadic cut on his flesh. Lorenzo remained in this condition for three days.
The prisoners including Lorenzo were found dead after three days. Their remains were burned and the ashes were thrown into the sea, near Nagasaki harbor.
Lorenzo died a martyr on September 29, 1637. He and his companions were beatified in Manila on February 18, 1981 by Pope John Paul II. On October 18, 1987, he was declared saint by the same pope after some miracles.
Today is the feast of St. Vincent De Paul
September 27, 2011
Vincent De Paul was born in Pouy, renamed Saint-Vincent-de-Paul since 1828, Landes, Gascony, France, to a family of peasant farmers. He had four brothers and two sisters.
He is saint responsible for the formation of many religious orders, both men and women, but especially of the latter.
Vincent de Paul grew up tending sheep in an ordinary country home in France. But it is clear from his life’s work that he had nothing of the ordinary about his character and soul. He had no very great talent but he was faithful to his studies and his duties.
Saint Vincent knew that it would be of no gain to him to give all he possessed to the poor if he did no have the love of God firmly and entirely within his heart.
He spent his life to the mission of giving retreats to young men to be trained for the priesthood. The old and sick, the needy, and people with infirmities as well as the hungry prisoners were his top priorities from the donations he received from the wealthy families, farmers, merchants, farmers, etc. He filled France with little donation boxes which he placed in hotels, restaurants, and banks.
The name of Saint Vincent de Paul is associated with parish organizations we call conferences of the Saint Vincent de Paul society, and with the sisters who work in hospitals, in schools for children, and among the sick at home. The Sisters, who were formed to meet the same need, were at first part of a lay organization called Daughters of charity.
His feast day is celebrated every September 27.
PAG-ALALA SA PANAHON NG BATAS MILITAR (Marshall Law)
September 22, 2011
Noong ideklara ang batas militar 21 September 1972, ang idad ko noon ay 20 years old. Ako ay nakatira sa Dr. Fabella st., sa likod lamang ng mental hospital sa Mandaluyong, metro manila ngayon ay sikat na siyudad na. Ako ay nag-aaral nuon ng 1st year college sa Jose Rizal College ngayon JRU na. Nuon pagdeklara ng Batas Militar ng September 21, 1972, ang mga istasyon ng mga radyo ay wala sa ere at walang mga payahagan na nagsisirkula ng madaling araw na iyon. Tahimik ang buong paligid. Kami nuon na mga estudyante ay nagulat dahil ilang araw pa lang magbukas ang klase mula nuon June ay suspendido na sa lahat ng antas pampubliko o pribado man. Mga ilang buwan kaming walang klase nuon pero naibalik din naman.
Maimpluwensiya nuon ang mga membro ng militar. Hindi pwede mahaba ang mga buhok ng mga kalalakihan at hindi pwede magsalita ng laban sa gobyerno. Ang mga tao nuon ay disiplinado.
May curfew hours nuon pagdating ng 10 ng gabi kundi hindi ako nagkakamali ang mga pabrika at mga pagawaan ay sumisirena ng mga 9:45 ng gabi. Kapag ikaw ay naabutan ng curfew sa gitna ng daan ng mga pulis o military ikaw ay huhulihin at maglilingkod ng ilang araw na community service kabilang na dito ang pagtatabas ng damo sa mga lugar na itatalaga sa iyo. Ikaw ay maglilinis din ng cr bilang parusa sa paglabag sa loob ng curfew hours. Ang sabi ng ilang kaibigan na nahuli sa paglabag ng curfew hours sila ay pinakakanta ng Lupang Hinirang at nag-recite ng Panatang Makabayan.
Mayroon din naman nakakalabas ng gabi sa loob ng curfew hours katulad ng mga nagtatrabaho sa mga ospital, mga nagdedeliver ng mga isda, o mga nagtatrabaho sa palengke, o ang nature ng trabaho nila ay sa gabi. Kinakailangan nila ng kaukulang permit para makapaglakbay o magampanan ang kanilang trabaho kung sila man ay abutin sa loob ng curfew hours.
Ang mga kalalakihan na mahilig sa beer house ay nagpapaumaga na lang baka sila abutan at mahuli sa daan ng mga pulis at militar.
Tumagal ng ilang tao ang Batas Militar sa Pilipinas kundi ako ako nagkakamali mahigit isang dekada umiral.
Ang aking natatandaan mayroon programa si Marcos na Green Revolution na pinagtatanim niya ang mamayan ng gulay sa mga bakanteng lote kahit sa mga paso para maging sagana sa pagkain.
Natatandaan ko pa rin nuon ng magkaroon ng krisis sa bigas ginamit ng gobyerno ang mga truck ng militar sa pagbabahagi ng bigas sa mga baranggay. Ang baranggay naman ang nagbibigay ng coupon para makabili ang mga residente. Ganun din ng magkaroon ng krisis sa gasolina nuon mga panahon na iyon, kukuha ka ng coupon sa baranggay para makapagkarga ng gasolina ang mga may sasakyan sa mga gasoline stations. Nang magkaroon ng shortage sa tubig dahil sa panunuyo ng water dams, ang mga truck ng bumbero ang nagsusuply sa mga baranggay.
Ang drug Lord na si Lim seng ay pinarusahan ng death by firing squad. Siya ay nasentensyahan nuong December 1972, by proclamation no.2 na binubuo ng 7 katao. Siya ay binaril sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Santiago ng madaling araw ng taon 1973, hindi ko na matandaan ang eksaktong araw. Maraming tao ang nagpunta para masaksihan ang makasaysayang pagbaril kay Lim Seng. Ito ay pinakita pa sa telebisyon subalit malayuan ang kuha.
Ito ay ilan lamang iyan sa aking naalala sa mga panahon na iyon, sa ibang lugar ay hindi ko na alam dahil ang telebisyon at radyo ay kontrolado ang gobyerno
Nuon mga panahon na iyon ay di pa gaanong matrapik dahil kakaunti lang ang sasaksyan na di katulad ngayon halos lahat ng tao ay may sasakyan parang di kumpleto ang buhay kung walang mamahaling sasakyan o kaya kahit na matagal ng modelong sasakyan basta mayroon.
Maalala ko nga pala may love bus pala nuon panahon na iyon biyaheng Escolta hanggang Ayala ave. at pabalik. Masarap ang pakiramdam mo dahil airconditioned.
Maraming problema ang dinanas ng bansang Pilipinas, nandiyan dumanas ng maraming kalamidad ng katulad ng mga pagputok ng bulkang Pinatubo, Mayon, Taal at Bulusan; mga landslide katulad ng st. Bernard, sa Southern Leyte, bagyo sa Davao, at ang bagyong Undoy kung saan maraming namatay. Mga sakuna sa dagat katulad ng trahedya ng MV Dona Paz, MV Dona Marilyn, MV Princess of the Star, MV Cebu city, MV Don Juan, at iba pang trahedya sa dagat.
Ngayon naman ay salot ng sakit sa dengue na kung saan marami ng bata ang namatay sa kagat ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Subalit talagang mapalad ang bansang Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok nanatiling matatag ang mga Pilipino–naniniwala sa Poong Maykapal sa oras ng mga problema at mga pagsubok.
Saint Matthew, one of the Twelve Disciples of Christ
September 21, 2011
One of the twelve apostles of Jesus and one of the four evangelists. His feast day is September 21.
Matthew is depicted in christian art as one of the four living creatures of Rev. 4:7. The one that accompanies him is in the form of a winged man.
He is the Patron Saint of accountants, bankers, bookkeepers, stock brokers, and tax collectors.
The new testament records that an as disciple, he followed Jesus, and was one of the witnesses of the resurrection and ascension . He sometimes found to be with Thomas. He is former Tax collector from Capernaum who was called to be one of the twelve apostles.
Jesus Calls Matthew ( Mat. 9:9-13).
Jesus left that place, and as he walked along, he saw tax collector, named Matthew, sitting in his office. He said to him, “Follow me.”
Matthew got up and followed him.
While Jesus was having a meal in Matthew’s house, many tax collectors and other outcasts came and joined Jesus and his disciples at the table. Some Pharisees saw this and asked his disciples, “Why does your teacher eat with such people?”
Jesus heard them and answered, “People who are well do not need a doctor, but only those who are sick. go and find out what is meant by the scripture that says: ‘It is kindness that I want, not animal sacrifices.’ I have not come to call respectable people, but outcasts.”
St. Januarius, (San Gennaro), Bishop and Martyr
September 19, 2011
Saint Januarius, Bishop and martyr was born in Benevento, or Naples, Italy. He was a fourth century bishop of Benevento, Italy during Diocletian’s persecution. He was arrested while visiting imprisoned deacons, and later martyred with them.
His blood was a preserved, and dried since at least 1389, on his feast day, and on the Saturday before first Sunday in May, the blood liquifies.
He was thrown to the wild beasts, when the latter would not attack him, he was beheaded. Today is his feast day.
Today’s Gospel: Luke 8:16-18.
“No one lights a lamp and covers it with a bowl or puts it under a bed. Instead, it is put on the lamp stand, so that people will see the light as they come in.
“Whatever is hidden away will be brought out in the open, and whatever is covered up will be found and brought to light.
“Be careful, then, how you listen; because those who have something will be given more, but whoever has nothing will have taken away from them even the little they think they have.”
We should expose our righteous ways in the public that what the gospel is talking about. High officials of the land should do the same thing not only to acquire the trust and confidence of the people to gather more votes during election period. We should be a good example to other people. There will come a time what is hidden in the dark will be brought out in the open. There is a saying that no secret will be forever hidden–in God’s proper time that it will be revealed.
Our lady of Sorrows (Mater Dolorosa)
September 15, 2011
Today we celebrate the Feast of Our Lady of Sorrows (Mater Dolorosa) or Our Lady of Seven Sorrows, or Our Lady of the seven Dolours are names given to the Blessed Virgin in relation to her sorrows in life, namely:
1. Prophecy of Simeon(Luke2:34-35) or the circumcision of Christ.
2. The flight to Egypt (Mat. 2:13)
3. The loss of the child Jesus in the temple (Luke 2:43-45).
4. Mary meets Jesus on the way to the cavalry (Luke 23:26).
5. Jesus dies on the cross (John 129:25).
6. Mary receives the body of Jesus in her arms Mat. 27:57-59).
7. Body of Jesus is placed in the tomb (John 19:4-42).
The seven sorrows should not be confused with the five sorrowful mysteries of the rosary.
“Standing close to Jesus’ cross were his mother, his mother’s sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Magdalene. Jesus saw his mother and the disciple he loved standing there; so he said to his mother, “He is your son.” Then said to his disciple, “She is your mother.” From that time the disciple took her to live in his home.” -John 19:25-27.
Behold thy mother, an exhortation for John to take care of the blessed Mother. Jesus on the cross about to die made an assurance that somebody would take care of her mother.
It is a great challenge on our part to take care of our own mothers–to show our love and care while they are still here on earth. It is the sentiment of old mothers that their children no to longer give attention to them.
Our lady of Sorrows (Mater Dolorosa)
PRAYER OF SAINT FRANCIS
September 12, 2011

St. Francis of Asisi: Lover of animals.St. Francis of Asisi giving high regard to all creatures by god.
Lord, make an instrument of your peace
Where there is hatred, let me sow love.
Where there is injury, pardon.
Where there is doubt, faith.
Where there is despair, hope.
Where there is darkness, light.
Where there is sadness, joy.
O Divine Master,
Grant that I may not so much seek to be consoled,
as to console;
To be understood, as to understand;
To be love, as to love.
for it is in giving that we are receiving.
It is pardoning that we are pardoned,
And it is in dying we are born to eternal life.
Amen.
The prayer is attributed to the 13th-century Saint of Francis of Asisi.
There is a hymn version where the lyrics are adopted from the prayer. It is an Anthem of the Royal British Legion. It is usually sung every November at the Service of Remembrance annually.
Mother Theresa of Calcutta made it part of the morning prayers of the Roman Catholic religious order she established. The prayer was delivered by Mother Theresa when she addressed the United Nations in 1985.
The prayer is quoted in the movie Rambo by a priest as he blesses Sylvester Stallone before he sets off to Burma to rescue humanitarian workers.
The prayer is quoted in a television episode “Justified.”
The prayer was slightly used the film, “Brother sun, Sister moon.”
The prayer is also included in the song “The shattered Fortress.”
The prayer is used by grandmaster Choa Kok Sui in his Twin Hearts Meditation.
The hymn form of the prayer was also part of the funeral for Diana, Princess of Wales.
The prayer was sung during religious wedding ceremony of Prince Albert of Monaco to south African Charlene Wittstock on 2 July 2011.
There are many occasions that the prayer of Saint Francis are used. The foregoing examples are only few but as to date the prayer is given acknowledgement by scholars because of its religious significance.
The song Prayer of St. Francis is also based on the same prayer by St. Francis by Sebastian Temple is a communion song being sung by the choir during mass in Roman catholic churches and prayer meetings which goes in part:
” Make me a channel of your peace
Where there is hatred let me bring your love;
Where there is injury, your pardon, Lord.
And where there’s doubt, true faith in you.”
Bridge: ” O Master, Grant that I may never seek
So much to be consoled as to console.
To be understood as to understand,
To be loved as to love with all my soul.”
Himala sa mag-amang Tobit at Tobias, at Sarah na 7 ulit na nakapag-asawa subalit namatay lahat pagkatapos ng kasal (Tobit 1-14).
September 5, 2011
Si Tobit ay namumuhay ng tapat sa kalooban ng Diyos sa pagkakawanggawa sa mga kababayan at mga kamag-anak na natapon bilang bihag sa Ninive, Asiria. Siya ay naghahandog ng mga unang bunga ng kanyang ani, unang supling ng kanyang mga hayop, at lahat ng ikapu sa kanyang mga kinikita sa templo. Nagkakaloob din siya ng salapi sa mga ulila at balo.
Pagsapit niya ng sapat na gulang siya ay napangasawa niya si Ana na kabilang niya sa kanyang lahi. Si Tobias ang naging anak nila. Siya ay kinagiliwan ng haring Salmanasar kaya siya ay panagkatiwalaan na maging tagabili ng lahat niyang pangangailangan. Siya ay nagkaroon ng ilang supot ng salaping pilak na tumitimbang ng may 600 libra sa kamag-anak niyang si Gabelo.
Kasama sa kanyang pagtulong sa kanyang mga kababayan ay pagbibigay ng makakain sa mga nagugutom at pagbibigay ng damit sa mga walang maisuot. Nang mamatay ang haring Salamanasar ay humalili ang anak niyang si Senaquerib na naging hari. Malupit ang naging hari dahil marami rin siyang pinapapatay na lingid sa kaalaman ng hari ay kanyang inililibing. Nagtataka siya kung bakit ang mga bangkay ay nawawala kaya ang hari nagalit sa kanya kaya siya ay nagtago subalit ang kanyang mga ari-arian ay sinamsam maliban sa kanyang asawa’t anak. Siya ay nabalik sa kaharian nang mamatay si haring Senaquerib na pinatay ng dalawang anak na lalaki matapos magtago sa kabundukan.Ang humalili sa kanya ay anak niyang si Esahardon. Patuloy pa rin siya sa pagtulong sa kanyang kababayan pati na rin ang paglilibing sa mga bangkay.
Isang gabi habang siya ay natutulog sa kanyang bakuran, may isang maya na nakadapo sa tapat ng kanyang higaan na dumumi at ang ipot nito ay tumama sa kanyang mga mata na naging sanhi ng kanyang pagkabulag. Lumapit siya sa mga manggamot subalit lalo itong lumalala kahit na ito’y nilagyan ng gamot. Apat na taon siyang nanatili sa ganitong kalagayan. Wala siyang magawa kundi idulog sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ang kanyang kahilingan na siya ay pagalingin.
Sa ganong kalagayan bilang isang bulag ay pinatawag niya ang anak niyang si Tobias at pinagbilinan na ipagpatuloy ang pagkakawanggawa sa kapwa. At kung siya ay mamatay ilibing sa tabi ng kanyang ina. Ipinagtapat niya rin ang inilagak na malaking halaga kay Gabelo sa Rages, Media mga 20 taon na ito nakalagak sa kanya. Sinabihan niya ang anak na humanap ng makakasama sa pagpunta roon at babayaran na lang ito na may kasama pang karagdagang bayad kung maging matagumpay ang lakad nila. Ganon nga ang ginawa ni Tobias humanap nga ng makakasama. Habang palabas ng pinto ay nakita niya ang isang lalaki na sugo ng Diyos subalit di niya alam na ito’y ay anghel ng Diyos. Tinanong niya ito, “Sino po sila?” “Isa akong kamag-anak ninyo na naghahanap ng trabaho dito,” ang sagot ng anghel. “Alam mo ba ang daang patungo sa Media?” Aba, opo mga dalawang araw po ang biyahe duon dahil kabundukan yun . May mga kamag-anak ako na nakatira duon,” ang sagot ng anghel.
Nakapagkatiwalaan ni Tobit si Rafael dahil sa pakikilala niya kamag-anak nila ito. Napagkasunduan nila na babayaran nila si Rafael na samahan si Tobias sa paglalakbay nito papuntang Media upang makuha ang inilagak na pera kay Gabelo. Sina Tobias at Rafael ay naghanda na ng kanilang dadalhin para sa kanilang paglalakbay. Bago sila umalis ay humalik muna si Tobias sa kanyang ama at ina. Lumuha ang ina ni Tobias habang siya niyayakap . Umalis nga si Tobias kasama ang anghel na si Rafael na nag-anyong tao, kasama
rin nila ang alagang aso. Inabot sila ng gabi sa kanilang paglalakbay kaya sa ilog ng Tigris sila nagpalipas ng gabi. Habang si Tobias ay lumusong sa ilog upang maghugas ng paa may isang isdang malaki ang lumundag upang tangkaing sakmalin ang kanyang paa. Ang sabi ni Rafael, “sunggaban mo at huwag mong bitiwan!” Gayon nga ang ginawa ni Tobias at sinabi ng anghel, “Biyakin mo ang isda at itago mo ang apdo, puso at atay pagkat iyon ay mabuting gamot. Itapon mo ang ibang lamang-loob.” Sinunod ni Tobias ang sinabi ni Rafael. Ang sabi ni Rafael ang puso at atay ng isda ay mabuti sa inaalihan ng masasamang espiritu. Kapag sinunog mo iyon sa harap ng maysakit ay lalaganap ang usok sa paligid niya, tiyak na gagaling siya at lalayas ang demonyong nasa kanya. Hindi na siya babalikan niyon. Ang apdo naman ay gamot sa mata. Ipahid lamang iyon sa matang may kulaba, gagaling ang maysakit at makakakita siya.
“Duon tayo tutuloy sa kamag-anak mo na si Raguel. May nag-iisang anak siyang dalaga na si Sarah at mungkahi kong ipakasal siya sa iyo. May karapatang maging asawa mo siya dahil ikaw ang pinakamalapit mong kamag-anak. Ikaw rin ang may karapatang magmana ng lahat ng kayamanan ng kanyang ama. Siya ay matalino, maganda at may magandang kalooban,” dagdag pa ni Rafael. “Mamayang gabi kakausapin ko si Raguel tungkol sa inyo ni Sarah hindi ka niya bibiguin dahil alam niyang ikaw ang may karapatan na maging asawa niya.”
“Hindi ako papayag ang babaing yan ay pito na ang naging asawa at sisiping pa lang ay namamatay na sila. Balita ko pa ay demonyo ang pumapatay sa mga iyon. Natatakot ako. Mahal ng demonyo ang babaing iyon, kaya sinumang lalaki lumapit ay pinapatay niya,” ang wika ni Tobias. “Huwag mong intindihin ang demonyong iyon, makinig ka sa akin. Pakasalan mo si Sarah. Sapagkat ngayong gabi makakamtan mo ang kamay ni Sarah. Pagpasok mo sa kanyang silid dalhin mo ang atay at puso ng isdang nakuha mo. Sunugin mo iyon, at pag iyo’y naamoy ng demonyo, tatakas agad ito at hindi na babalik. Bago kayo magsiping manalangin muna kayong dalawa hilingin ninyo na kahabagan kayo at iligtas. Magkakaanak pa kayo ng marami kaya huwag kang magalala.”

Si Tobias hawak ang isdang nakuha niya na ginamit sa pagtaboy sa masamang espiritu at pagpagaling sa mata ng kanyang ama.
Ganon nga ang ginawa ni Tobias ng ikasal siya kay sarah. Ang mga magulang ni Sarah ang naghanda ng malaking piging. Pagsapit ng dilim pagkatapos ng handaan ay inihanda ang kanilang silid. Kinuha ni Tobias ang atay at puso ng isda at sinunog. Lumaganap ang amoy nito at naamoy ng demonyo. Tumakas ito papuntang Egipto. Hinabol ito ni Rafael at iginapos kapagdaka ay nagbalik ito.
Nagaalala ang magulang ni Sarah baka ganun din ang sapitin ni Tobias kaya nagpahukay na siya ng libingan para duon ilibing si Tobias. Kinabukasan nagitla sila ng makita nila buhay pa sila Tobias at Sarah na natutulog. Malaki ang pasasalamat ng magulang ni Sarah sapagkat dininig ng Diyos ang kanilang panalangin.
Naalala ni Tobias ang salaping sinabi ng kanyang ama kaya tinawag niya ang anghel na si Rafael at sinabi sa kanya, “Azarias (dahil iyon ang pakikilala niya bilang kamag-anak at bilang tao na di niya alam na sugo ng Diyos), puntahan mo si Gabelo sabihin mo sa kanya ang tungkol sa salapi ng aking ama at ang kasulatan na ito. Sabihin mo sa kanya na imbitado siya sa aking kasal kunin mo rin ang salapi. Dumalo si Gabelo sa kasal ni Tobias at dala na rin ang salapi na inilagak sa kanya ng amang si Tobit. Maligaya si Tobias bukod sa nakapag-asawa siya ng isang magandang dalaga na may mabuting kalooban, nakuha pa niya ang pera na inilagak ng kanyang ama kay Gabelo.
Matapos ng dalawang linggong pagdiriwang ng kasal ay nagpaalam na si Tobias sa magulang ni Sarah na si Raguel at Edna. Pumayag naman si Raguel na isama sa pagbabalik ni Tobias si Sarah at binigyan pa ito ng kalahati ng kanyang ari-arian–mga alipin, babae at lalaki, salapi, damit at kagamitan. Sila ay binasbasan ng mag-asawang Raguel at Edna.
Naglakbay nga silang pabalik kasama pa rin ang anghel na si Rafael. Pagdating nila ng bahay nakita ni Tobias ang kanyang ina na naghihintay sa kanyang pagbabalik. Nang siya ay makita lumuluha itong niyakap. Nilapitan ni Tobias ang kanyang ama at kinuha ang apdo ng isda. Ibinangon niya ito at hinipan ang mga mata. Agad ipinahid sa mga mata nito ang apdo ng isda. Pagkatapos, inalis ang kulaba, at nanauli ang paningin ng ama. Nagpasalamat sa Diyos ang ama habang yakap ang anak.
Pagkatapos ng 7 araw na pagsasaya, sinabi ni Tobit sa anak, “Tobias, wag mong kalimutan ang kabayaran ng serbisyo ni Azarias at dagdagan mo dahil matagumpay kayo sa inyong paglalakbay.” ” Malaki ang naitulong niya sa atin–ibinalik niya akong maluwalhati, napalaya si Sarah sa kamay ng demonyo kaya naging asawa ko siya, naibalik pa ang ating salapi at higit sa lahat naibalik pa niya ang dati ninyong paningin.”
Tinawag nila si Rafael at sila’y nag-usap. Sinabi ni Rafael ang totoo niyang buhay. “Ako si Rafael na isa sa pitong anghel na humaharap sa Diyos para maglingkod sa kanya. Bumaba ako mula sa langit para samahan si Tobias, alisin sa pagkaalipin ng demonyo kay Sarah na pitong ulit ng nakapag-asawa subalit namamatay ang mga asawa bago pa ito sipingan. Kayong mag-ama ay kinalugdan ng Diyos kasama na rin si Sarah dahil sa mabuti ninyong kalooban. Magpuri kayo sa kanya sapagkat ako ay babalik na sa aking pinanggalingan.” Pagkasabi ng ganito si Rafael ay naglaho sa kalangitan.
Si Tobit ay inabot ng 112 taon bago namatay. Bago siya namatay tinawag niya si tobias, Sarah at ang pito nilang anak at sinabi, “mga anak maglingkod kayo ng tapat sa Diyos at mamuhay ng karapat-dapat sa harapan niya. Turuan ninyo ang inyong anak ng mabuting gawain at sanaying magkawanggawa. Huwag nilang kalilimutan ang Diyos at buong puso at masigasig na magpuri sa kanyang pangalan.”
The story behind the song “Amazing Grace” by John Newton
August 25, 2011
John Newton was born in London on July 24, 1725. His father is a commander of a merchant ship which sailed the Mediterranean. John was barely 11 years old when he went with his father’s voyages. John made 6 voyages before his father’s retirement.
John offered his services to the man-of war (war ship), H.M.S. Harwich. He deserted the vessel but later on recaptured and demoted from midshipman to a common seaman. He requested to exchange his services to a slave ship which was formally granted. He became the servant of a slave trader and was maltreated inhumanly. He was rescued by a sea captain who had known his father.
He became the captain of his own ship engaging in the slave trade. While he was making a homeward voyage, he encountered a violent typhoon which nearly sunk the vessel.
He is unbeliever of any denomination in response to his mother’s wishes when he was still a child and maintains this advocacy till after his mother’s demise. At the height of the typhoon, he begun to to ask God’s mercy that he would not ordinarily do in his entire life. Miracles had wrought unto him, and God’s grace and mercy bestowed upon him that he saved his life–The beginning of his conversion after that fateful day which turns out to be the most awesome experience in his life.
After a serious ailment, he had given up his seafaring forever, and became a preacher while educating himself through self-teaching.
He has written several hymnal songs among them are: “How Sweet the name Jesus sounds,” “Glorious things of thee are spoken,” and “Amazing Grace.” Some writers have composed additional verses to the famous “Amazing Grace.”
Amazing Grace was believed to be based on 1 Chronicles 17:16-17, but some says that it is likely to be based on Eph.2:4-9, on Paul’s treatise on grace which say:
“But God’s mercy is so abundant, and his love for us is so great, that while we were spiritually dead in our disobedience he brought us to life with Christ. It is by God’s grace that you have been saved. In our union with Christ Jesus he raised us up with him to rule with him in the heavenly world. He did this to demonstrate for all time to come the extraordinary greatness of his grace in the love he showed us in Christ Jesus. For it is by God’s grace that you have been saved through faith. It is not the result of your efforts, but God’s gift, so that no one can boast about it.”
On the epitaph of John Newton, appears the following writings on which Newton himself wrote:
John Newton, clerk (preacher)
Once an infidel and libertine
A servant of slaves in Africa,
Was, by the rich mercy
Our Lord and savior
Jesus Christ,
Restored, pardoned,
And appointed to preach
The Gospel which he had
Long labored to destroy.
He ministered,
Nearly sixteen years in
Olney, in Bucks,
And twenty-eight years in
This church
The life of John Newton is similar to saint Paul in view that despite their shortcomings were able to recover themselves in rendering their invaluable service by spreading the Good news to the people of God.











